Ravena sasalang na sa Japan B. League
Thirdy Ravena
STAR/ File
Ravena sasalang na sa Japan B. League
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines  —  Tumulak na kahapon patungon Japan si dating UAAP Finals MVP Thirdy Ravena upang samahan ang San-en NeoPhoenix sa kampanya nito sa Japanese B.League.

Namaalam na si Ra­vena sa kanyang Pinoy fans sa pamamagitan ng kanyang post sa social media kung saan may inilagay itong larawan na nakasakay na ito sa Philippine Airlines.

“Paalam,” ayon sa post ni Ravena.

Bahagyang naantala ang paglipad ni Ravena sa Japan dahil sa mga hindi inaasahang pangyayari.

Kaya naman masaya itong tutulak sa Japan upang simulan ang bagong yugto ng kanyang basketball career.

Nakaabang na ang NeoPhoenix sa pagdating ni Ravena na inaasahang malaki ang maitutulong sa kanilang tropa.

Natalo ang NeoPhoenix sa kanilang unang apat na pagsalang at umaasa ang team management na matutuldukan ito sa oras na pumasok na si Ravena.

Pagdating sa Japan, sasailalim pa si Ravena sa ilang health protocols procedure bago tuluyang makasama ang kanyang koponan at masilayan sa aksyon sa B.League.

Dahil sa panibagong development kay Ravena, malabo na itong makapag­laro para sa Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup Qua­lifiers na idaraos sa susunod na buwan.

Namomoblema ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pagbuo ng malakas na koponan dahil nasa Clark bubble ang lahat ng aktibong PBA pla­yers para sa Philippine Cup.

At isa si Ravena sa mga inaasahan sanang maglaro sa Gilas Pilipinas sakaling hindi pa ito makapaglaro sa B.League.

MVP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with