^

PSN Palaro

Nadal saludo kay Eala

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines  — Pinuri ni 20-time Grand Slam champion Rafael Nadal ang tagumpay ni Alex Eala na kamakailan lamang ay umakyat sa No. 2 spot sa world rankings.

Ipinost pa ni Nadal sa kanyang social media account ang mainit nitong mensahe sa 15-anyos na si Eala.

Masaya si Nadal sa tagumpay ni Eala at umaasa itong magtutuloy-tuloy ang magandang nangyayari sa tennis career ng Pinay netter.

“Vamosssss. Very happy for you and keep up the hard work and great results,” ani Nadal sa kanyang Twitter account na may mahigit 15 milyon na followers.

Nahubog ng husto ang kakayahan ni Eala sa Rafa Nadal Academy sa Mallorca, Spain kung saan ito iskolar.

Maganda ang naging resulta ng kanyang pananatili sa tennis academy dahil nagkampeon ito sa girls’ doubles ng 2020 Australian Open noong Enero.

Malaki ang pasasalamat ni Eala sa magandang karanasan nito sa Rafael Nadal Academy dahil marami itong natututunan hindi lamang sa tennis techniques maging sa mental aspects.

Dahil sa malaking puntos na nakuha nito sa French Open, umangat sa ikalawang puwesto sa world rankings si Eala mula sa kanyang dating No. 4 position.

Si Eala ang kauna-unahang Pilipinong tennis player na nakaabot sa No. 2 sa world rankings.

NADAL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with