Kinakaya at kakayanin
ABYLIEVE - Aby Maraño (Pilipino Star Ngayon) - October 10, 2020 - 12:00am

Halos pitong buwan nang huminto ang mundo ng isports sa bansa. Ang New Normal ay mag-ensayo sa kani-kanyang mga bahay. Kung may mga bukas mang gym ay limitado pa rin ang maaaring gumamit at nakasailalim ito sa istriktong safety protocols.

Hindi ko ma-imagine ang buhay ng student athletes ngayong pandemya. Siguradong nakaka-drain ang humarap sa laptop ng tatlo hanggang anim na oras pagkatapos ay maglalaan pa ng isa hanggang tatlong oras sa ensayo.

Isa sa hamon naming mga manlalaro ngayon ay ang boses na bumubulong ng salitang “nakakatamad”. Hindi kami sanay na pumirme sa bahay at dito mag-ensayo ngunit dahil ito na ang New Normal, wala na kaming magagawa. Araw-araw kailangan naming panindigan ang buhay na itinakda para sa amin. Napakahirap sa pakiramdam ng hindi makapaglaro sa gym o makasama ang koponan. Lahat ay virtual training kaya madalas na isyu ng ilang manlalaro ay ang mahinang internet connection.

Ang New Normal ay kinakaya at kakayanin na-ming mga atleta. Isa sa mga realisasyon ko ngayong pandemya ay hindi parating kailangan ng matibay na motibasyon para magpatuloy. Minsan, kailangan namin ma-realize na ang isport ay isang way of life. Ang mga programa na binibigay ng coaches ay bahagi na ng buhay namin kaya kailangan namin yakapin at tanggapin na ito ang buhay. Kailangan namin panindigan ang papel namin sa mundo.

NEW NORMAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with