_ngayon
^
Mojdeh tuloy sa pagpapakundisyon
Micaela Jasmine Mojdeh
STAR/ File

Mojdeh tuloy sa pagpapakundisyon

(Pilipino Star Ngayon) - October 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuloy lang sa pagpapakundisyon si Philippine national junior record hol­der at Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh sa kabila ng problemang dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Malaki ang pagbabago sa lahat ng aspeto ng buhay kabilang na ang trai­ning ng mga atletang gaya ni Mojdeh.

Ngunit sinisiguro nito na maipagpatuloy ang ensayo sa anumang paraaan upang manatiling nasa kundisyon ang kanyang pangangatawan gayundin ang pagpapalakas sa mental sa aspeto.

“Malaki po talaga ang epekto sa mga swimmers at sa lahat ng atleta ang nangyaring lockdown. Kaya kami naman po ay talagang nakasuporta sa mga bata,” ani Joan Mojdeh — ang masuportang ina ni Jasmine.

Masaya si Joan na nakakakuha si Jasmine ng suporta mula sa mga coaches nito maging sa Philippine Swimming Inc. (PSI) na madalas na­ngungumusta sa kanila.

“Regular naman po ang monitoring ng PSI sa mga member ng National Team at kami naman sa club namin focus din na mapanatili yung kahandaan nila through online workshop and training,” dagdag ni Joan sa Tabloids Organizations in Philippine Sports (TOPS) Usapang Sports on Air via Zoom kahapon.

Nakatakda sanang lumahok si Jasmine sa malalaking torneo sa taong ito kabilang na ang importanteng kumpetisyon sa Japan, Australia, Singapore, Hong Kong, United Arab Emirates, Vietnam at Switzerland kasama ang Behrouz Elite Swim Team at Swimming League Phi­lippines.

TOPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with