Bakbakan na!
Asahan na ang magiging mahigpit na bantayan nina Lakers ace LeBron James at Anthony Davis laban kina Heat’s stars Jimmy Butler at Bam Adebayo sa Game 1 ng NBA Finals ngayon.
Bakbakan na!
(Pilipino Star Ngayon) - October 1, 2020 - 12:00am

Lakers vs Heat

LAKE BUENA VISTA, Florida -- Kumpara sa ilang NBA Finals match-up, walang masamang salita na nanggagaling sa Los Angeles Lakers at Miami Heat.

At sa halip ay ang pagpuri at paghanga sa isa’t isa ang nagmula sa dalawang koponan para sa Game One ng kanilang cham­pionship series ngayon.

Hinangaan ni Fil-American head coach Erik Spoelstra si James na kanyang hinawakan ng apat na seasons sa Heat kasama sina Dwyane Wade at Chris Bosh na nagresulta ng kanilang back-to-back championships.

“I just think it is a true testament to his greatness to be able to sustain this type of success year in, year out,” ani Spoelstra. “Diffe­rent uniforms, new players and new teams going after him. It’s a real testament to that commitment. He’s seen everything.”

Wala ring masamang sinabi si James sa Miami team.

“Being a part of that culture allowed me to grow, allowed me to see what it takes to not only compete for a championship but also to win a championship,” wika ni James.

Naitakda ng Lakers at Heat ang kanilang titular showdown matapos talunin ang Denver Nuggets, 4-1, at Boston Celtics, 4-2, sa Western Conference at Eastern Conference finals, ayon sa pagkakasunod.

Inaasahang magtatapat sina James at Jimmy Butler sa kabuuan ng title series.

“It’s been like this for a very long time. If you want to win, you’re going to have to go through a LeBron James-led team,” sabi ni Butler, muling makakatuwang sina big man Bam Adebayo, Goran Dragic at shooters Tyler Herro at Duncan Robinson para sa Heat.

Muli ring makakatambal ni James si Anthony Davis kasama sina Rajon Rondo, Kyle Kuzma, Dwight Ho­ward at JaVale McGee sa Lakers.

“Miami is a special team,” sabi ni Davis. “They’re a team who a lot of people thought they shouldn’t be here, but they’re a team who fights.

LAKERS MIAMI HEAT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with