^

PSN Palaro

Olympic hopefuls dapat nang payagan ng IATF

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

Magbalik-ensayo

MANILA, Philippines — Habang sinimulan na ng ilang bansang payagan ang kanilang mga atletang magbalik-ensayo ay taliwas naman ito sa nangyayari sa mga miyembro ng Philippine national team.

Hanggang ngayon ay wala pang ‘go signal’ ang Inter-Agency Task Force (IATF) para sa pagpapakondisyon at pagsasanay ng mga national athletes na naghahangad ng tiket sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

“Masasabi natin na parang cramming time na kasi iyong ibang bansa nag-resume na ng training eh. Iyong iba nagpapa-tournament na,” sabi ni Tokyo Olympics Chef De Mission Mariano ‘Nonong’ Araneta.

Tanging sina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno ang nakakuha ng Olympic berth.

Patuloy ang pagsasanay ni Obiena sa Ital habang nasa Japan si Yulo at nakatakdang mag-ensayo si Marcial sa United States at nananatili naman si Magno sa Iloilo City.

“Iba pa rin iyong may tournament ka. Iyong mental preparation mo nandiyan. Kung nagpa-parctice ka lang kasi, takbo ka lang nang takbo, parang wala ‘yung mental preparation,” ani Araneta. “We really have to resume training.”

Umaasa si Araneta na papayagan ng IATF na magbalik-ensayo ang mga Olympic hopefuls mula sa 19 National Sports Assciations (NSAs).

Kabilang sa mga tumatarget ng Olympic slot ay sina 2016 Rio de Janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz (weightlifting), 2018 Asian Games gold medal winner Margielyn Didal (skateboarding), 2019 World Cham­pionship winner Nesthy Petecio (boxing) at Fil-Japanese Kiyomi Watanabe (judo).

vuukle comment

OLYMPIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with