Lakers paborito vs Heat
Ang miyembro ng Los Angeles na nagdiriwang sa kanilang muling pagpasok sa NBA Finals matapos patalsikin ang Denver Nuggets. Sasagupain ng Lakers ang Miami Heat sa best-of-7 Finals.
STAR/ File
Lakers paborito vs Heat
(Pilipino Star Ngayon) - September 30, 2020 - 12:00am

NBA finals

LAKE BUENA VISTA, Florida — Mabigat na mga laban ang dinanan ng M­iami Heat bago nakapasok sa 2020 NBA Finals.

At inaasahang gagawin nila ito laban sa paboritong Los Angeles Lakers nina LeBron James at Anthony Davis para makamit ang unang kampeonato matapos ang pitong taon.

Nakatakda ang Game One ng NBA Finals bukas (Manila time).

Nalagay ang Heat sa No. 5 sa Eastern Confe­rence at tumayong dehado kontra sa malalakas na Milwaukee Bucks ni Giannis Antetokounmpo at Boston Celtics ni Jayson Tatum.

Matapos walisin ang Indiana Pacers sa first round ay isinunod ng Miami ang Milwaukee sa semifinal round, 4-1, at ang Celtics, 4-2, sa  conference finals.

Ang Heat ang third-lowest seed na umabante sa NBA Finals sapul noong 1984 at ito ang kauna-unahang finals matchup sa pagitan ng dalawang koponang nabigong makapasok sa postseason noong nakalipas na taon.

Sa NBA Finals ay inaasahang pababantayan ni Miami Fil-American head coach Erik Spoelstra kay veteran defender Andre Iguodala ang three-time Finals MVP na si James.

Nagharap na ang da­lawa sa apat na sunod na NBA Finals simula noong 2015 hanggang 2018 habang naglalaro si Iguodala para sa Golden State  Warriors at si James para sa Cleveland Cavaliers.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with