Pacquiao-McGregor fight ikakasa sa 2021!
Manny Pacquiao at Mixed Martial Arts megastar Conor McGregor
Released
Pacquiao-McGregor fight ikakasa sa 2021!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2020 - 12:00am

Sa Middle East ang venue

MANILA, Philippines — Ikinakasa na ang mega fight sa pagitan nina eight-division world champion Manny Pacquiao at Mixed Martial Arts megastar Conor McGregor sa susunod na taon.

Mismong si McGregor na rin ang nagkumpirma na gumugulong na ang negosasyon upang matuloy ang inaabangang pakikipagtuos nito sa reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion.

Ayon kay McGregor, target na maisakatuparan ang laban nito kay Pacquiao sa Middle East.

“Anyway all water under the bridge who gives a fook. I’m boxing Manny Pacquiao next in the Middle East,” ayon sa tweet ni McGregor.

Kinumpirma rin ito ni Pacquiao’s special assistant Jayke Joson kung saan inaayos na ang mga dokumento upang maikasa na ang laban.

“Regarding the news coming from McGregor himself, we don’t deny it. In fact, our lawyers are finalizing all the confidential details, but both fighters are getting ready for this one epic last boxing fight. According to Paradigm Sports Management head Audie Attar, the fight may happen in the Middle East next year,” ani Joson.

Sinabi pa ni Joson na ido-donate ni Pacquiao ang malaking bahagi ng kikitain nito sa laban sa mga biktima ng coronavirus disease (COVID-19).

Isa si Pacquiao sa mga aktibong tumutulong sa gobyerno sa pagsugpo ng COVID-19 sa bansa.

“For the sake of all the Filipino Covid-19 victims, Senator Manny Pacquiao will be fighting UFC superstar Conor McGregor next year. The huge portion of his earnings will proceed to those who are affected nationwide by the pandemic,” wika pa ni Joson.

Sa ngayon, nais muna ituon ni Pacquiao ang atensyon nito sa COVID-19 fight sa halip na pag-usapan ang laban kay McGregor.

Kung matuloy ang laban, ito ang ikalawang pagkakataon na haharap si McGregor sa isang legen­dary boxer sa mundo.

Una nang nakasagupa ni McGregor si Floyd Mayweather Jr. noong 2017 kung saan lumasap ito ng 10th-round knockout loss sa undefeated American boxer.

CONOR MCGREGOR
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with