PBA tatapusin bago mag- Pasko
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Target ng pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) na tapusin bago mag-Pasko ang PBA Season 45 Philippine Cup na idaraos sa isang bubble setup sa Clark, Pampanga.

Sa timeline na inihanda ng PBA, nais ni PBA commissioner Willie Marcial na matapos ang best-of-seven championship series isang linggo bago ang Pasko.

Posibleng sa Disyembre 15 o 18 matapos ang finals.

Orihinal sanang Disyembre 10 o 13 ang planong pagtatapos ng season.

Subalit dahil na-atras sa Oktubre 11 ang pagbabalik-aksyon ng Philippine Cup, mauurong din ito ng pagtatapos.

“Na-adjust lahat. Na-adjust pati ‘yung dulo,” ani Marcial.

Magandang pagkakataon ito upang makasama ng mga players, coaches, officials at team staff ang kanilang pamilya sa holiday season partikular na ang dalawang koponang matitira sa bubble dahil sa finals.

Sa elimination round, dalawang laro kada araw ang magaganap.

Lalarga ang unang laro sa alas-4 ng hapon na inaasahang matatapos ng alas-6 ng gabi.

Magkakaroon ng isang oras na pagitan ang bawat laro upang bigyang-daan ang disinfection ng venue gayundin ang mga kagamitan gaya ng bola at mga upuan.

Hindi na rin bibigyan ng special schedule ang mga importanteng laro gaya ng Manila Clasico na karaniwan nang isinasagawa tuwing Biyernes o Linggo upang dumugin ng mga fans ang venue.

Dahil hindi pinahihintulutan ang fans sa venue, gaganapin ang Manila Clasico sa anumang araw na mapunta ito sa schedule.

Naniniwala si Marcial na lahat ng fans ay nakatutok sa kanilang telebisyon kaya’t hindi na mahalaga kung anumang araw man ito ganapin.

WILLIE MARCIAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with