Finals tanaw na!
Nagkamay sina Lakers’ star LeBron James at Anthony Davis matapos talunin ang Nuggets sa Game 4 ng kanilang NBA Western Conference Finals.
Finals tanaw na!
(Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2020 - 12:00am

Lakers giniba uli ang Nuggets, 3-1 na

LAKE BUENA VISTA, Fla. — Isang panalo na lamang ang kailangan ng Los Angeles Lakers para sa muling paglalaro sa NBA Finals matapos ang isang dekada.

Kumamada si Anthony Davis ng 34 points  habang naglista si LeBron James ng 26 markers, 9 rebounds at 8 assists para ihatid ang Lakers sa 114-108 panalo sa Denver Nuggets sa Game Four ng kanilang Western Conference finals series.

Kaagad nakabangon ang Lakers sa naunang pagkatalo sa Game Three para angkinin ang mala­king 3-1 abante sa kanilang serye ng Nuggets.

Pipilitin ng Lakers, may 16 championships, na makabalik sa NBA Finals sapul nang maghari noong 2010 sakaling mu­ling talunin ang Nuggets sa Game Five.

Isinama ng Los Ange­les si veteran center Dwight Howard sa starting five at nagtala ng 12 points at 11 rebounds at inilagay si Denver slotman Nikola Jokic sa foul trouble.

Pinahirapan din ni James si Denver star guard Jamal Murray.

Sa kabila nito ay tumapos pa rin si Murray na may 32 points at 8 assists sa panig ng Nuggets.

Humakot ang Lakers ng 12 offensive rebounds para sa kanilang 25-6 se­cond-chance points laban sa Nuggets, nalagay sa bingit ng pagkakasibak sa pang-pitong pagkakataon sa loob ng NBA bubble.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with