_ngayon
^

Mga paraan para pumayat bukod sa ehersisyo

ABYLIEVE - Aby Maraño (Pilipino Star Ngayon) - September 26, 2020 - 12:00am

Simula ika-15 ng Marso noong unang idineklara ang lockdown sa Pilipinas, marami na ang pumirme sa kani-kanyang mga bahay. Isa sa mga unang ginawa ng taong bayan bago ito ipinatupad ay ang pamimili ng mga pagkain para magkaroon ng sapat na stock.

Dahil tila nahinto ang mundo ng mga tao sa ipinatupad na lockdown, isa sa naging hamon ng marami ngayon ang pagkontrol sa pagkain. Halos walang ginagawa sa bahay kundi literal na matulog at kumain habang hindi pa nakakabalik sa iskuwela at mga trabaho. Sa ganitong klase ng routine, hindi maiiwasan ang pagtaas ng timbang ng marami. Ang ehersisyo ngayon ay isa dapat sa ginagawa nating libangan sapagkat isa itong paraan upang maging malusog at malakas para malabanan ang coronavirus.

Ngunit anu-ano pa ba ang maaaring paraan para magbawas ng timbang?

Naniniwala ako na lahat ay dapat nagsisimula sa magandang mind set. Kung maganda ang mind set ng isang tao tungo sa komitment nitong magpapayat, siguradong makakamit niya ang inaasam na timbang. Bukod sa ehersisyo, dapat talaga kontrolado rin ang pagkain. Lahat ng kinakain natin ay may epekto sa katawan. Iwasan ang pagkain ng mamantika at matamis. Kapag na-detox ang katawan sa mga masasamang uri ng pagkain, mas maganda ang epekto ng ehersisyo sa sistema ng katawan natin dahil mas napapadali ang pagbawas ng body fats.

Bigyan din ng pansin ang pagtulog ng tama. Kung may sapat tayong tulog, maganda ang magiging reco­very ng muscles sa katawan.

Mag-invest din sa timbangan. Mainam na mayroong weighing scale sa bahay para nakikita ang resulta ng pinaghihirapang body weight na nais maabot. Kumuha ng weighing scale na magmo-monitor at magbibigay impormasyon tungkol sa kalkulasyon ng iyong body composition. Ilan sa mairerekomenda ko ay ang Tanita at Adams Elements weighing scale. Gamit ang Bioelectrical Impedance Analysis makikita rito hindi lang body weight kundi pati na rin ang body fat rate, bone mass, total body water, muscle mass, physique rating, basal metabolic rating, metabolic age at visceral fat.

Napaka-importanteng maging maalam tayo sa siyensiya ng pagpapapayat ngunit uulitin ko. Lahat ay nagsisimula sa magandang mind set. Kung talagang gusto nating magbawas ng timbang, may mga ilang bagay tayong dapat ikonsidera. Kailangan ng konting sakripisyo at matibay na disiplina.

Kaya ‘yan! Tiwala lang.

EXERCISE LOCKDOWN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with