Mga lalahukang swimming events ni Mojdeh apektado ng COVID-19 pandemic
Micaela Jasmine Mojdeh
STAR/File

Mga lalahukang swimming events ni Mojdeh apektado ng COVID-19 pandemic

Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - September 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilang malalaking events ang nakatakda sanang lahukan ni teenage swimming sensation Micaela Jasmine Mojdeh ngayong taon.

Ngunit ang lahat ng ito ay nawalang parang bula dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Kabilang sa torneong lalahukan sana ng Brent International School-Laguna student noong Marso ay ang mga age group events sa Japan at Singapore at ang qualifying para sa South East Asian Age Group at Olympic Games.

“Ang dami sana kaso COVID-19 happened. So hopefully, next year she plans on qualifying for SEA Age and sana sa SEA Games,” ani Joan Cacho-Mojdeh sa kanyang anak.

Ang iba pang nakansela ay ang World School Games sa London, South East Asian Age Group sa Malaysia, Hong Kong National Open, Asean Schools Games sa Pilipinas at Junior Pan Pacific Meet sa Hawaii.

Sa mga local events ay ang Palarong Pambansa, Batang Pinoy, PSI national meets, Philippine National Age Group Swimming Championships at Philippine National Open.

Sa Luzon leg ng 2019 Batang Pinoy sa Ilagan, Isabela ay lumangoy si Mojdeh ng limang gintong medalya mula sa 200-meter butterfly, 100-meter at 50-meter butterfly, 200-meter at 400-meter individual medley events.

Sa kabila ng COVID-19 pandemic ay hindi nagpabaya sa kanyang training si Mojdeh, pambato ng Philippines B.E.S.T (Behrouz Elite Swim Team).

“Tuluy-tuloy pa rin naman siya ng training kahit po nag-lockdown,” ani ng kanyang inang si Joan. “May maliit na pool kami sa bahay kaya doon muna siya noong ECQ hanggang mag-GCQ po.

MICAELA JASMINE MOJDEH
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with