^

PSN Palaro

Lakers puntirya ang 3-0 lead

Pilipino Star Ngayon
Lakers puntirya ang 3-0 lead
Tinaasan ng kamay ni Lakers’ Anthony Davis si Nuggets’ Nikola Jokic habang nakaabang si LeBron James sa Game 2 ng WC Finals.
STAR/ File

Kontra Nuggets

LAKE BUENA VISTA, Florida  — Walang ibang nasa isip ang Los Angeles Lakers kundi ang maiposte ang malaking 3-0 kalama­ngan laban sa Denver Nuggets sa kanilang Western Conference finals series.

Pipilitin nila itong ma­gawa sa Game 3 ngayon.

Itinayo ng Lakers ang 2-0 bentahe matapos ang buzzer-beating three-point shot ni Anthony Davis para sa kanilang 105-103 paglusot sa Nuggets sa Game Two.

“This is what they brought me here for. To make big plays,” ani Davis.

Nauna nang inangkin ng Los Angeles ang 126-114 tagumpay sa Game 1.

Naniniwala naman si Denver head coach Michael Malone na makakabangon sila para makaiwas sa posibleng ‘sweep’ sa kanilang serye.

“They had to rely on a great shot by a great player to beat us at the buzzer,” wika ni Malone. “As long as we’re putting ourselves in position to win games, that’s all you can ask for.”

Sa Game Two ay nakabangon ang Nuggets mula sa 16-point deficit hanggang maagaw nila ang 103-102 bentahe sa nala­labing 20 segundo ng fourth quarter mula sa tirada ni center Nikola Jokic.

Kasunod nito ay ang buzzer-beating triple ni Davis na hindi napigilan ni Jokic.

“Just happened, a little bit of miscommunication,” wika ni Jokic.

LOS ANGELES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with