âItâs a Mamba shot!â â Vogel
Pinakawalan ni Lakers’ guard Anthony Davis ang buzzer-beating triple sa harapan ni Nuggets star Nikola Jokic sa Game 2 ng kanilang WC Finals series.
‘It’s a Mamba shot!’ — Vogel
(Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2020 - 12:00am

AD isinalpak ang buzzer-beating triple vs Nuggets

LAKE BUENA VISTA, Florida — May isang Los Angeles Lakers legend na nagsasalpak ng mga buzzer-beating three-point shot.

“That’s a shot Kobe Bryant would hit,” sabi ni Lakers’ coach Frank Vogel. “To me, AD coming off, just flying to the wing like that, catch-and-shoot with the biggest game on the line of our season, nothing but net, it’s a Mamba shot.”

Isinalpak ni Anthony Davis ang isang buzzer-beating triple para itakas ang Lakers kontra sa Nuggets sa Game Two, 105-103, at angkinin ang 2-0 lead sa kanilang Western Conference finals kahapon dito sa NBA bubble.

Tumapos si Davis na may 31 points at kinamada ang huling 10 points ng Los Angeles sa fourth quarter kung saan naagaw ng Denver ang 103-102 abante sa huling 20 segundo.

Nakabangon ang Nuggets mula sa 16-point deficit bago humataw si center Nikola Jokic ng 11 sunod na puntos para sa nasabing one-point lead ng Nuggets..

Naimintis ni Alex Caruso ang kanyang 3-point attempt sa posesyon ng Los Angeles habang sinupalpal ni Denver guard Jamal Murray ang tira ni Danny Green sa nalalabing 2.1 segundo.

Natanggap ni Davis ang inbound pass ni Rajon Rondo at naikonekta ang kanyang buzzer-beating triple para ipanalo ang La­kers.

“Special moment for a special player. Happy to be a part of it,” pagpuri ni Le­Bron James, kumolekta ng 26 points at 11 rebounds, kay Davis.

Pinamunuan naman ni Jokic ang Nuggets sa kanyang 30 points at 9 assists habang may 25 markers si Murray.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with