Lina tuloy na sa UP
Lina tuloy na sa UP
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nilisan ni Bismarck Lina ang University of Santo Tomas (UST) para magtungo sa bagong tahanan nito — ang University of the Philippines (UP).

Si Lina ang ikawalong miyembro ng Growling Tigers na lumayas matapos pumutok ang “training bubble” sa Sorsogon na pinamunuan ni dating UST head coach Aldin Ayo.

Makakasama ni Lina sa kampo ng Fighting Maroons ang katropa nito sa UST na si CJ Cansino.

Nauna nang lumipat sa UP si Cansino matapos isiwalat na tinanggal ito sa lineup ng Growling Tigers.

Magiging malaking tulong si Lina sa Fighting Maroons dahil maganda ang rekord nito sa kanyang junior years. Posibleng makalaro na si Lina sa UAAP Season 83.

Maliban kina Lina at Cansino, wala na rin sa UST sina Rhenz Abando, Brent Paraiso, Ira Bataller, Mark Nonoy, Deo Cuajao at Jun Asuncion.

Napunta sina Abando, Paraiso at Bataller sa Colegio de San Juan de Letran habang sa De La Salle University naman bumagsak sina Nonoy at Cuajao.

Lumipat naman sa Mapua University si Asuncion.

UP UST
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with