Tatum, Brown bumida
Dumakdak si Celtics’ guard Jaylen Brown sa pagitan nina Heat’s star Bam Adebayo (kaliwa) at Duncan Robinson (kanan) sa Game 3 ng kanilang EC Finals.
STAR/ File
Tatum, Brown bumida
(Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

Celtics pinigil ang Heat

LAKE BUENA VISTA, Florida — Matapos matalo sa Game Two ay nagkaroon ng sigawan sa loob ng l­ocker room ng Boston Celtics.

Nagkaisa ang mga Celtics players na maglaro nang maayos para makaahon mula sa 0-2 pagkakalubog sa kanilang Eastern Conference finals series ng Miami Heat.

Tumipa si Jaylen Brown ng 26 points at kumolekta ng 25 markers, 14 rebounds at 8 assists si Jayson Tatum para ihatid ang Boston sa 117-106 pagdaig sa Miami sa Game Three ng kanilang best-of-seven title wars kahapon dito sa NBA bubble.

“There’s some great guys in that locker room,” wika ni Brown. “A lot of emotion, a lot of passion, but we’re a family and we’re here for each other at the end of the day. We exemplified that when we came out together. We kept our will high and we persevered to win this game.”

Nag-ambag si Kemba Walker ng 21 para sa 1-2 agwat ng Celtics sa kanilang serye ng Heat.

Nagbalik sa laro si Gordon Hayward para sa Boston matapos magkaroon ng sprained right ankle at nagtala ng 6 points sa loob ng 31 minuto.

Pinamunuan ni big man Bam Adebayo ang Miami sa kanyang 27 points at 16 rebounds at may 22, 17 at 13 markers sina Tyler Herro, Jimmy Butler at Duncan Robinson, ayon sa pagkakasunod.

Nauna nang nakabawi ang Heat mula sa 14-point deficit sa Game One sa overtime, 17-point deficit sa Game Two para manalo, subalit hindi na nila ito naduplika sa Game Three.

CELTICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with