Ilang isyu sa Sorsogon Bubble itinanggi!
Mark Nonoy
Philstar.com/Erwin Cagadas
Ilang isyu sa Sorsogon Bubble itinanggi!
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

Nonoy Cuajao nagsalita na

MANILA, Philippines — Pinabulaanan nina da­ting University of Santo Tomas players Mark Nonoy at Deo Cuajao ang ilang alegasyon sa isyu ng “training bubble” sa Sorsogon.

Kabilang sa mga kinontra ng dalawa ang nauna nang isiniwalat ng ilang players gaya nina CJ Cansino at Brent Paraiso na problema sa pagkain.

“Sa aming mga taga-probinsya, wala kaming problema sa pagkain. ‘Yung mga nauna, ‘yun ‘yung nagreklamo. Hindi namin alam ‘yung nangyari. Sa amin, wala kaming reklamo,” wika ni Cuajao.

Itinanggi rin ni Cuajao na ang alegasyon na hindi pinapayagan ang sinuman na umuwi sa kani-kanyang tahanan.

Ayon kay Cuajao, ma­aaring umuwi anumang oras naisin ng isang player na nasa loob ng Sorsogon bubble.

“Meron kaming choice. Sabi rin ni coach na mala­king tulong din sa amin ‘yun. Actually, puwede kaming umuwi,” kuwento pa ni Cuajao.

Ilang players ang nagdesisyong umuwi kabilang na si Cansino na siyang itinuturing na naging mitsa para mabunyag ang Sorsogon bubble matapos isiwalat sa social media na tinanggal na ito sa lineup ng UST.

Inamin ng dalawa na mayroong waiver na pinapirma sa lahat ng players na sasama sa Sorsogon bubble.

Kuwento pa ng dalawa, tumira ang koponan sa pasilidad na pag-aari ni dating UST head coach Aldin Ayo na mayroong basketball court, gym at mga kuwarto.

Tatlong players kada kuwarto ang sistema ng accommodation sa bahay ni Ayo ayon pa kay Cuajao.

Nagkaroon ng training ngunit nilinaw ni Nonoy na hindi sila sabay-sabay na nagsasanay at sumasailalim sa matinding health protocols.

Walang scrimmages na naganap sabi pa ni Nonoy.

Wala pang sagot ang mga nauugnay na pla­yers kabilang na si Cansino na  lumipat na sa UP.

DEO CUAJAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with