PBA sumulat na sa IATF
Nakikipagtulungan na ang PBA sa ilang opisyales upang mas lalong lumakas ang tsansang masimulan na ulit ang Philippine Cup na naudlot noong Marso dahil sa pandemya.
STAR/ File
PBA sumulat na sa IATF
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

Plano sa bubble isinumite

MANILA, Philippines — Pormal nang nagsumite ang pamunuan ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Inter-Agency Task Force (IATF) ng kahilingan upang payagan ang pagbabalik-aksyon ng PBA Season 45 Philippine Cup sa susunod na buwan.

Kasama sa sulat ng PBA ang mga kabuuang plano para sa bubble setup nito sa Clark, Pampanga.

Nakasaad sa sulat ang mga pasilidad na gagamitin, lugar na pagdarausan ng mga laro at training, ang magi­ging setup sa bawat playdate at ang kabuuang timeline ng PBA restart.

Nakapaloob din ang mahigpit na patakarang ipatutupad ng PBA kabilang na ang pinakaimportanteng regular na swab testing para masiguro na ligtas ang lahat sa coronavirus disease (COVID-19).

Mismong si PBA chairman Ricky Vargas na ang nagkumpirma na naisumite na ang mga kinakailangang dokumento para pahintulutan ang pagbabalik-aksyon ng liga.

“We submitted a request for the scrimmages, and yesterday we also submitted a request for the bubble,” wika ni Vargas sa Power And Play program.

Hinihintay na lamang ng PBA ang magiging desisyon ng IATF kung pahihintulutan itong makapagsagawa ng scrimmages sa training kasunod na ang go signal sa PBA restart.

Nakikipagtulungan na ang PBA sa ilang opisyales upang mas lalong lumakas ang tsansang masimulan na ulit ang Philippine Cup na naudlot noong Marso dahil sa pandemya.

Kabilang sa mga tumutulong sa PBA sina Bases and Conversion Development Authority chief Vince Dizon, Clark chairman Noel Manankil at Games and Amusements Board chairman Baham Mitra.

Nakaantabay lamang ang PBA sa magiging desis­yon ng IATF.

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with