Romero hinikayat ang IATF na bigyan ng âgreen lightâ ang PBA
NorthPort team owner Cong. Mikee Romero
STAR/ File
Romero hinikayat ang IATF na bigyan ng ‘green light’ ang PBA
(Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sa kinakaharap na depresyon ng mga Pinoy dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, ang pagbabalik ng Philippine Basketball Association (PBA) ang posibleng maging kasagutan dito.

Kaya naman hiniling ni House Deputy Speaker at NorthPort Batang Pier owner Mikee Romero sa Inter-Agency Task Force (IATF) na bigyan ng ‘go signal’ ang PBA para ipagpatuloy ang naudlot na 45th Season via bubble concept sa Clark, Pampanga.

“The resumption of the PBA will help the Filipinos cope with depression and COVID. I am certain it will provide relief,” ani Romero. “We need to relax a bit after months of anguish.”

Habang alam ni Romero ang lahat ng pag-iingat na ginagawa ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 ay naniniwala naman siyang magagawa rin ito ng mga PBA team owners.

“Under the leadership of Chairman Ricky Vargas and Commissioner Willie Marcial, the PBA has exhausted e­verything to make the bubble type concept safe for everyone,” sabi ni Romero, miyembro ng national polo team na sumabak noong 2019 Southeast Asian Games at kabilang sa 50 richest Filipinos ng Forbes.

Ayon pa kay Romero, may estimated worth na P6.5 bilyon, gigil na ang mga PBA players, kasama ang kanyang Batang Bier squad, na maglaro matapos matigil ang season noong Marso bunga ng COVID-19 outbreak.

Sakaling mabigyan ng ‘green light’ ay magdaraos ang PBA ng two-week scrimmages bago sumabak sa aktuwal na mga laro sa Oktubre 9.

“The PBA bubble could just be the start of something good for Philippine sports. Even how hard it is, we have to move on and stay focused,” ani Romero.

Bilang pangulo ng Partylist Coalition Foundation Inc., naging abala si Romero sa mga nakaraang buwan para sa pamamahagi ng relief assistance sa mga frontliners at displaced workers.

PBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with