Magno tumaba!
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

Dahil sa pagkatengga sa kawalan ng sparring

MANILA, Philippines — Ipinagbabawal pa rin ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagdaraos ng mga sparring dahil sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, kaya naman hindi kataka­- takang tumaba si Tokyo Olympics-bound boxer Irish Magno.

Ngunit ayon kay Magno, madali niyang maiba­balik sa fighting weight ang kanyang katawan bago ang 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

“Medyo tumaba po ako ng four kilos. Pero okay lang naman daw po iyon sabi ng mga coaches ko kasi med­yo malayo pa naman ang laro po,” wika ng 29-anyos na national lady boxer mula sa kanyang tahanan sa Janiuay, Iloilo City.

Nasuntok ni Magno ang Olympic berth matapos ta­lunin si Sumaiya Qosimova ng Tajikistan sa box-off round ng flyweight division ng 2020 Asia and Oceania Olympic boxing qualifying tournament sa Amman, Jordan.

Halos isang buwan nagtagal si Magno sa Philsports Complex sa Pasig City ga­ling sa Teachers’ Camp sa Baguio City sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic bago nakauwi sa Iloilo City.

Ayon kay Magno, hindi siya nagpapabaya sa kanyang kondisyon bagama’t nakauwi na siya ng pro­binsya.

Bukod kay Magno, ang iba pang nakasikwat ng Olympic ticket ay sina boxer Eumir Felix Marcial, gymnast Carlos Edriel Yulo at pole vaulter Ernest John Obiena.

IATF
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with