De Los Santos humakot pa ng 2 ginto
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ayaw paawat ni world No. 2 Orencio James De Los Santos matapos humakot ng dalawa pang gintong medalya sa online tournaments.

Muling ipinamalas ni De Los Santos ang husay nito matapos pagharian ang prestihiyosong SportData eTournament World Series 4th Edition.

Impresibong tinalo ni De Los Santos si world ranked No. 1 Eduardo Garcia ng Portugal sa bendisyon ng dikit na 24.8-24.5 desisyon sa finals para makuha ang gintong medalya.

“It was the most prestigious virtual tournament (because) the amount of ranking points given in this tournament is four times of a regular virtual tournament,” ani De Los Santos.

Kabilang sa mga tinalo nito sina Johnsen Cornelius ng Norway sa Round-of-16, Jaime Teruel ng Dominican Republic sa quarterfinals at Hugh Connoly ng Ireland sa semifinals.

Humirit din ng gintong medalya si De Los Santos sa Hatamoto Kai Mitad Del Mundo E-Tournament kung saan tinalo nito si Alves Murilo sa finals.

Pinataob ni De Los Santos sa quartefinals si Brayan Israel Samaniego Crespo ng Ecuador at si Chrisley Philippart ng Belgium sa semifinals.

Dahil sa dalawang ginto, mas lalo pang lumakas ang tsansa ni De Los Santos na masungkit ang No. 1 spot sa world ranking.

Sa kabuuan, may 10 gintong medalya na si De Los Santos sa online tournament.

ORENCIO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with