^

PSN Palaro

Javier hinugot ng TNT kapalit ni Williams

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinuha ng Talk ’N Text management si Chris Javier upang punan ang nabakanteng puwesto ni Kelly Williams na nagdesisyong magretiro kamakailan.

Galing ang dating University of the East slotman na si Javier sa Blackwater.

Ngunit inilagay ito ng Elite sa unrestricted free agent kaya’t agad naman itong sinunggaban ng Ka­tropa upang makatulong sa kampanya nito sa PBA restart.

Sasaluhin ng TNT ang natitirang kontrata ni Javier hanggang Disyembre,

Masaya naman si Ka­tropa team manager Gabby Cui sa pagpasok ni Javier na makakatulong ng husto sa kanilang koponan.

Inaasahang makakasama na ng Katropa si Javier sa regular workout nito sa susunod na linggo.

Tiwala si Cui na mabilis na makakasabay si Javier sa sistema ng TNT dahil sa magandang rekord nito sa ibang koponang kanyang nilaruan.

Nabangasan ang Ka­tropa sa biglaang retirement ni Williams.

vuukle comment

CHRIS JAVIER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with