^

PSN Palaro

IATF approval na lang ang kulang

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
IATF approval na lang ang kulang
Kung makukuha ang go signal ng IATF, target ng PBA na tumulak papuntang Clark sa Setyembre 26 para agad na masimulan ang scrimmages sa Setyembre 27 hanggang sa masimulan ang restart sa Oktubre.

PBA restart kasado na!

MANILA, Philippines — Kasado na ang lahat para sa pagbabalik-aksyon ng PBA Season 45 Philippine Cup sa Oktubre 9 na idaraos sa isang bubble sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Pampanga.

Nakasalalay na lamang ang lahat sa magiging desis­yon ng Inter-Agency Task Force (IATF) kung pahihintulutan ang scrimmages gayundin ang mismong PBA restart.

Kung makukuha ang go signal ng IATF, target ng PBA na tumulak papuntang Clark sa Setyembre 26 para agad na masimulan ang scrimmages sa Setyembre 27 hanggang sa masimulan ang restart sa Oktubre.

Napili ng PBA ang Clark, Pampanga base na rin sa opinyon at suhestiyon ng mga team officials at players matapos ang isina­gawang dalawang araw na konsultasyon.

Maganda ang lugar dahil malapit ito sa mga pangunahing kailangan sa isang bubble setup gaya ng hotel, competition venue at ospital.

Sa Quest Hotel mananatili ang lahat ng PBA players, officials, coaches at team staff habang sa Angeles University Foundation Gym naman ang competition venue.

Mataas ang standards ng dalawang venue dahil ginamit na rin ito noong 2019 Southeast Asian Games.

Kasado na rin ang timeline ng restart.

Magkakaroon ng laro araw araw — Lunes hanggang Linggo — upang mabilis na matapos ang eliminasyon.

Dalawang laro kada araw ang masisilayan kung saan may pagitan na isang oras ang bawat laro para magkaroon ng sapat na panahon sa disinfection ng venue at mga kagamitan.

Sa pagkakataong ito, maiiba ang format ng semis.

Kung dati, nilalaro ang magkahiwalay na semis sa schedule na every-other-day, gagawin na itong sabay sa isang araw.

Mapapanood sa TV5 ang mga laro tuwing Miyerkules, Biyernes at Linggo habang maaari rin itong mapanood sa One Sports, PBA Rush at sa ilang live streaming ng liga.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with