...Matinding parusa sa PBA bubble violators
MANILA, Philippines — Mahaharap sa matinding parusa ang mga lalabag sa health protocols sa loob ng bubble.
Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, mahigpit na patakaran ang ipatutupad para masiguro na ligtas ang lahat sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
“We expect strict compliance within the bubble,” ani Marcial.
Sinuman ang lalabas ng PBA bubble nang walang dahilan o walang pahintulot, pagmumultahin ito P100,000 kasama pa ang limang larong suspensiyon sa susunod na season ng liga.
Maliban dito, hindi rin bibigyan ng isang buwan na suweldo ng kanyang team ang lalabag sa patakaran.
“May fine ka na sa PBA, may five-game suspension pa and at the same time walang one-month salary from the team,” wika ni Marcial.
- Latest