Ang stranded champion
ABYLIEVE - Aby Maraño (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

Isa sa mga pinaka-iidolo kong Filipinang atleta ay si Hidilyn Diaz. Alam ng buong Pilipinas kung gaano kahusay ang babaeng ito at ang kuwentong buhay niya ay talagang inspirasyon ng bawat atleta.

Maraming kompetisyong internasyunal na siyang ipinanalo para sa bansa at ang pinakasikat nga rito ay iyong mag-uwi siya ng silver mula sa Olympic Games noong 2016 sa Rio de Janeiro at mag-gold naman noong 2018 sa Asian Games.

Ngayon ay patuloy ang ensayo ni Diaz para sa paghahanda sa darating na Olympics sa Tokyo at mayroon din siyang kompetisyon na lalahukan sa Columbia noong nakaraang March. Ngunit isang araw bago sila umalis ay ipinatupad ang lockdown dahil sa pandemya at ang mga atleta ay pinauuwi na sa kani-kanyang mga bansa. Noong malaman ni Diaz, ito ang nasabi na lang niya ay “Ano ang magiging plano? Saan kami magi-stay? Saan kami magti-train? Saan kami kakain?”

Sa kabila ng pagsubok, nanatiling positibo si Diaz at ikinatuwa pa rin na sa tinutuluyan niya ngayon sa Malaysia ay mayroong mga kagamitan para sa kanyang ensayo.Tuluyan na ngang na-stranded si Diaz sa Malaysia at doon na ngayon ipinagpapatuloy ang kanyang paghahanda para sa pagbabalik-kompetisyon. “Ang saya-saya ko dahil I was able to lift and I am doing well with my training,” ani Diaz.

Ang beteranong weightlifter ay masayang nagba­bahagi ng kanyang kaalaman sa larangan ng pampa-lakasan sa ibang bansa ngunit hindi pa rin niya nakakalimutang makibalita sa sitwasyon ng ating bansa.

Talagang hinahangaan ko ang katapangan ni Hidilyn. Napakalaki na ang isinakripisyo niya para sa bansang Pilipinas. Bagama’t may mga kapwa Filipinong hindi naiintindihan ang kanyang pagmamahal sa isport na weightlifting at passion sa larong ito, binabalewala niya lahat dahil ibinibigay niya ang kanyang buhay at sarili para sa bansa. Nakikipagsapalaran siya sa banyagang lugar upang mag-ensayo at mag-uwi ng karangalan para sa bayan kahit na matagal niyang hindi makakapiling ang kanyang pamilya.

Saludo para sayo kapatid na Hidilyn! Mabuhay ka!

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with