^

PSN Palaro

Casimero pormado na!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Casimero pormado na!
John Riel Casimero
STAR/ File

Para sa title defense laban kay Micah

MANILA, Philippines — Pormadong-pormado na si World Boxing Organization (WBO) bantamweight champion John Riel Casimero para sa pagdepensa nito ng titulo laban kay African fighter Duke Micah sa Setyembre 26 sa Mohegan Sun Casino sa Connecticut.

Lutang na lutang na ang bagsik ni Casimero na handang-handa nang pabagsakin ang Ghanian pug.

Mas matangkad ng bahagya si Micah na may taas na 5-foot-7 kumpara kay Casimero na nasa 5-foot-4 lamang.

Ngunit sanay na ang Pinoy champion na humarap sa mas malalaking kalaban.

Magugunitang pina­bagsak nito ang 5-foot-9 na si South African champion Zolani Tete noong Disyembre sa Birmingham, England para makuha ang WBO title.

Matikas din ang rekord ni Micah na may malinis na 24-0 baraha tampok ang 19 knockouts kaya’t walang balak mag-relax si Casimero.

“Talagang pinaghandaan ko siya. He’s also a good fighter, may magandang record and a knockout artist,” ani Casimero.

Walang tigil sa ensayo si Casimero para masiguro na preparado ito sa laban.

Bantay-sarado ni ve­teran training Memo Heredia ang bawat kilos ni Casimero.

Ilang sparring sessions ang pinagdaanan nito kasabay ng matitinding mitts at heavy bag.

Ingat din ang Pinoy pug sa mga kinakain nito para matiyak na nasa tamang timbang sa official weigh-in na idaraos sa Setyembre 25 sa venue.

Tiyak na ibubuhos ni Casimero ang lahat kay Micah matapos maudlot ang laban nito kontra kay World Boxing Association (WBA) at International Boxing Federation (IBF) titlist Naoya Inoue noong Abril. 

vuukle comment

WBO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with