^

PSN Palaro

Bubble concept mas gusto ng players

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

Sa PBA restart...

MANILA, Philippines — Mas pinaboran ng mga players ang bubble concept sa oras na magbalik-aksyon ang PBA Season 45 Philippine Cup sa susunod na buwan.

Ito ang pare-parehong opinyon ng mga players matapos ang isinaga­wang konsultasyon ng PBA noong Miyerkules.

Sa tatlong iprinisinta ng PBA — ang bubble, semi-bubble at closed-circuit — mas nakakuha ng positibong sagot ang bubble at semi-bubble.

Inalis na sa ikinokonsidera ang closed-circuit na plano kung saan ang mga players, coaches at officials ay may rutang bahay-venue-bahay o kaya naman ay bahay-training venue-bahay.

Ayon kay PBA commissioner Willie Marcial, mas gusto ng mga players ang bubble concept na tulad ng ginagawa ng NBA sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Sa bubble, magiging ruta ang hotel-venue-hotel kung saan tanging mga players, coaches at officials lamang ang pahihintulutang makapasok sa bubble.

Hindi tulad ng closed-circuit na makakasalamuha pa ng mga mga players, coaches at officials ang mga kasama nito sa bahay.

Kaya naman malabo na ang closed-circuit plan dahil mas gugustuhin ng mga players ang bubble o semi-bubble concept.

“Gusto talaga nila bubble. Lahat sila willing maglaro sa NBA-type bubble or semi-bubble. Ayaw nila sa closed-circuit so tatanggalin na yung closed-circuit plan,” ani Marcial.

Ilalatag ni Marcial ang mga suhestiyon ng mga players sa PBA Board na siyang magdedesisyon kung anong gagamiting konsepto gayundin ang magiging format at sche­dule ng PBA restart.

Sa kasalukuyan, may tatlong venues na pinagpipilian ang PBA para pagdausan ng naudlot na Philippine Cup na target na simulan sa Oktubre 9.

Inaasahang madede­sis­yunan na ito ng PBA Board anumang araw nga­yong linggo para maisa­ayos na ang mapipipling venue  ng lahat ng kakaila­nganin dahil 12 koponan ang hahawakan nito.

Maliban sa pagpili ng venue, tatalakayin din ng PBA Board ang swab testing na isa sa pinaka-importanteng bahagi ng bubble concept.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with