Nuggets kumapit pa!
Dumakdak si Nuggets’ guard Jamal Murray laban sa Clippers sa Game 6 ng WC semis wars.
Nuggets kumapit pa!
(Pilipino Star Ngayon) - September 15, 2020 - 12:00am

Humirit ng game 7 vs Clippers

LAKE BUENA VISTA, Florida -- Hindi pa handa ang Denver Nuggets na umalis ng NBA bubble.

Ito ay matapos bumalikwas ang Nuggets mula sa 19-point deficit sa huling 22 minuto para resbakan ang Los Angeles Clippers, 111-98, sa Game Six ng kanilang Western Conference semifinals series.

“That’s the nature of our team,” ani guard Jamal Murray na umiskor ng 21 points para sa pagbangon ng Denver. “We can have a bad half and we can come back just as quick.”

Humakot si center Nikola Jokic ng 34 points, 14 rebounds at 7 assists para itabla ang Nuggets sa 3-3 sa kanilang best-of-seven semis wars ng Clippers at makapuwersa ng Game Seven.

Ang mananalo sa serye ang sasagupa sa Los Angeles Lakers para sa Western Conference finals.

Nagdagdag si Gary Harris ng 16 points habang may 13 markers si Michael Porter Jr.

Hangad ng Denver na maging unang koponan sa NBA history na nakabawi mula sa dalawang 1-3 deficits sa parehong postseason.

Una nila itong ginawa kontra sa Utah Jazz sa West first round.

Binanderahan ni Paul George ang Los Angeles sa kanyang 33 points at may 25 at 14 markers sina Kawhi Leonard at Lou Williams, ayon sa pagkakasunod.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with