Lakers amoy na ang West Conference finals
Nailusot ni Lakers Anthony Davis ang kanyang tira laban kay Rockets’ P. J. Tucker.
Lakers amoy na ang West Conference finals
(Pilipino Star Ngayon) - September 12, 2020 - 12:00am

LAKE BUENA VISTA, Fla. -- Ipinakita ng Los Angeles Lakers ang kanilang dominasyon sa Houston Rockets sa rebounding para makalapit sa pagkopo sa conference finals berth.

Kumalawit si forward Anthony Davis ng 29 points at 12 rebounds at nagtala si LeBron James ng 16 points, 15 rebounds at 9 assists para tulungan ang Lakers sa 110-100 paggiba sa Rockets sa Game Four ng kanilang Western Conference semifinal series kahapon dito sa NBA bubble.

“Obviously, we’ve got to be better. We’ve got to close out games the right way,” sabi ni James sa Los Angeles, inilista ang 3-1 bentahe sa kanilang semis wars ng Houston.

Humakot ang Lakers ng 52-26 rebounds sa kanilang dominasyon sa Rockets.

Nagdagdag si Alex Caruso ng 16 points habang kumolekta si Rajon Rondo ng 11 points, 10 rebounds at 8 assists para sa Lakers.

Binanderahan naman ni Russell Westbrook ang Houston sa kanyang 25 points at may 21, 19 at 14 markers sina James Harden, Eric Gordon at Austin Rivers, ayon sa pagkakasunod.

Ang Rockets ay isa sa mga prangkisa na nakaba­ngon mula sa 1-3 pagkakaiwan na ginawa nila laban sa Los Angeles Clippers sa semis ng 2015 playoffs.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with