Heat tinusta ang Bucks
Nagdiwang ang koponan ng Miami Heat matapos sibakin ang Milwaukee Bucks sa Game 5 ng kanilang semifinals showdown.

Heat tinusta ang Bucks

(Pilipino Star Ngayon) - September 10, 2020 - 12:00am

Swak na sa Eastern Conference Finals

LAKE BUENA VISTA, Florida -- Sa unang pagkakataon sapul noong 2014 ay umabante ang Miami Heat sa NBA Eastern Conference Finals.

Sinamantala ng Heat ang hindi paglalaro ni Milwaukee Bucks superstar forward Giannis Anteto­kounmpo para angkinin ang 103-94 panalo sa Game Five ng kanilang best-of-seven semifinal series kahapon dito sa NBA bubble.

Isinara ng fifth-seeded na Miami ang kanilang semis showdown ng best regular-season team na Bucks sa 4-1 papasok sa East Finals.

Hindi naglaro si Anteto-kounmpo dahil sa kanyang sprained right ankle.

Umiskor sina Jimmy Butler at Goran Dragic ng tig-17 points para sa Miami, lalabanan sa East Finals ang mananalo sa semis series ng Boston Celtics at nagdedepensang Toronto Raptors.

Tumipa si Jae Crowder ng 16 markers at may 14, 13 at tig-12 points sina Tyler Herro, Bam Adebayo at Kelly Olynyk, ayon sa pagkakasunod, para sa Heat.

Binanderahan ni Khris Middleton ang Bucks sa kanyang 23 points habang may 15 points at 14 rebounds si Brook Lopez.

Inilista naman ng Los Angeles Lakers ang 2-1 abante sa kanilang semis wars ng Houston Rockets matapos kunin ang 112-102 panalo sa Game Three sa Western Conference.

MIAMI HEAT MILWAUKEE BUCKS NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with