Volleyball star EJ Laure inamin baby kay Bugoy Cariño; 'Pedophilia' pinupuna
Litrato nina EJ Laure, Bugoy Cariño at baby nila na si Scarlet
Mula sa Twitter account ni Bugoy Cariño
Volleyball star EJ Laure inamin baby kay Bugoy Cariño; 'Pedophilia' pinupuna
James Relativo (Philstar.com) - September 4, 2020 - 12:56pm

MANILA, Philippines — Matapos ang ilang taong pagtatanggi, ipinakilala na sa mundo ni UST volleyball player na si EJ Laure ang kanyang baby sa nobyo at dating child actor na si Bugoy Cariño — bagay na nagdulot ng kontrobersiya sa mga netizens, Biyeres.

"Happy birthday, Mahal. Thank you sa lahat ng ginawa at ginagawa mo para sa amin ni baby Scarlet! We love you so much, daddy!" tweet ni Laure kaninang madaling araw.

 

 

Ang naturang post ay may kalakip ng isang slide show nilang tatlo, kasama ang kanilang baby mula noong ipanganak hanggang lumaki-laki.

Taong 2017 nang unang lumabas ang balitang nabuntis ni Bugoy ang UAAP Rookie of the Year — kahit na 15 years old pa lang ang aktor at 20 anyos si EJ.

Matatandaan ang biglaang pagkawala ni Laure sa UAAP Season 80 Disyembre noong taong iyon, dahilan para iugnay ito nang marami sa kanyang pagdadalang-tao. Gayunpaman, ipinilit ng atleta na "shoulder injury" ito at hindi baby.

May kaugnayan: Laure na-injured ‘di makakalaro sa UST

"[Noong D]ecember buntis daw ako, tapos [J]anuary buntis din ako, [tapos] [M]arch buntis nanaman ? ???? [J]usko 3months nakong naging buntis so triplets pala 'to?" wika niya sa Facebook noong Marso 2018.

 

Ewan koba kasi talaga sa trip nyo ???? basta ako i've been enjoying my life and resting my shoulder for S81 been living...

Posted by Ej Laure on Saturday, March 10, 2018

 

Ipinagtanggol pa ni UST head coach Kungfu Reyes ang volleyball standout, habang pinapabulaanan ang mga akusasyon.

"Ang dahilan ng hindi nya pagsali ay yung injury nya sa kanang balikat. Ang gamit nilang term dun ay ‘chronic shoulder injury’ kasi matagal ng injury yun na bumalik lang," saad noon ni Reyes.

Basahin: Reyes insists shoulder injury sidlining Laure

Pero tila nag-iba ang ihip ng hangin ngayong araw, lalo na't ligal at 18-years-old na si Bugoy, 

"Happy to have a family na mahal na mahal ako. Pagsisikapan ko pong itaguyod ang blessing na ito. Thank you for your unending support and I love you both, Mommy EJ and Baby Scarlet!!" wika ng dating "Goin' Bulilit" child actor.

 

 

'Cradle snatcher? Pedophile?'

Halo-halo naman ang naging reaksyon dito ng netizens, lalo na't batang-bata pa nang maging magkarelasyon sina EJ at Bugoy. Dahil dito, hindi napigilan ng internet users na tawaging "pedopilya" ang ginawa ng young mom.

Sa kabila nito, mas akmang gamitin ang terminong "ephebophilia" para isalarawan ang tinutukoy na phenomenon. Isinasalarawan kasi nito ang primaryang pagka-akit ng tao sa kabataang edad 15 hanggang 19.

Dahil sa init ng mga diskusyon, nananatiling #1 at #2 trending sa Twitter Philippines ang pangalan nina EJ Laure at Bugoy Cariño habang sinusulat ang baltiang ito.

"[At] her big age as an adult, she should've alr known better than to engage in a relationship AND to hv a baby w a minor. how has she not been jailed yet," sabi ng Twitter user na si @zephrysis kanina.

"To anyone who’s going to defend this ,, i beg of u to pls understand power dynamics. us minors are allowed to develop crushes on older ppl bc it’s harmless. it’s not th same as an adult—who clearly has the advantage in this situation—reciprocating our feelings."

 

 

Shocked at hindi rin alam ni @starlight_0807 ang mararamdaman nang ibulgar ng dalawa ang balita.

 

 

Gayunpaman, ikinatuwa naman ng ilan ang katapangan ng dalawa lalo na't kontrobersyal na isyu ang agwat ng edad nila.

 

 

Sa ilalim ng Article 337 ng Revised Penal Code, itinuturing na "qualified seduction" ang pang-aakit sa mga 12 hanggang 17 taong gulang ng mga taong matatawag na may "public authority" at patawan ng kulong na prision correctional. Gayunpaman, nananatiling 12 anyos ang "age of sexual consent" sa Pilipinas.

Meron ding 

Matatandaang dalawang Seasons ng UAAP ang na-miss ni EJ matapos mawala noong 2017, ngunit nakapaglaro uli nang magbalik noong Season 82 noong Marso 2020.

Sa kabila niyan, muling natigil ang kanyang pagpapakitang gilas sa mundo ng palakasan matapos itigil ang mga laro kaugnay ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

BABY BUGOY CARINO EJ LAURE UAAP VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with