UP iimbestigahan din!
(Pilipino Star Ngayon) - September 4, 2020 - 12:00am

Lumabag sa quarantine protocols?

MANILA, Philippines — Posibleng maharap din sa quarantine protocols violations ang University of the Philippines (UP) matapos magsulputan sa social media ang ilang larawan na tila nag-eensayo.

Lumutang sa social media ang Instagram story ni UAAP Season 81 MVP Bright Akhuetie na nagsasagawa ng shootaround sa isang basketball court sa Silang, Cavite.

May petsa ang post ng Agosto 1 - ang parehong petsa kung saan nakuha ng Fighting Maroons sina dating National University standouts Carl Tamayo at Gerry Abadiano.

Naganap ang deklaras­yon nina Tamayo at Aba­diano sa Cavite kasama sina UP head coach Bo Perasol, UP player Ricci Rivero at UP head Atty. Agaton Uvero.

Nilinaw naman ni Pe-rasol na hindi training ang naganap.

Isang simpleng shootaround lamang ang ginawa ni Akhuetie.

Naging tagapulot lamang ng bola si Perasol kasama ang pamangkin nito.

“Nag-shootaround kami sa court namin, pero kami lang ni Bright. Kasama ako at ang pamangkin ko para may taga-pulot ng bola,” paliwanag ni Perasol.

Iginiit pa ni Perasol na hindi kasama sa court sina Rivero, Tamayo at Abadiano.

Wala pang pormal na anunsiyo ang UAAP sa panibagong isyu ngunit inaasahang kabilang ito sa tinalakay sa Board of Ma­naging Directors meeting ng liga kahapon.

Ang UP ang ikatlong unibersidad sa UAAP na nahaharap sa isyu.

UP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with