Walang Pacquiao fight sa 2020 â Roach
Ito ang inihayag ni American trainer Freddie Roach dahil sa kasalukuyang krisis na dinaranas ng buong mundo dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.
KJ Rosales, file
Walang Pacquiao fight sa 2020 — Roach
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi na masisilayan sa aksyon si eight-division world champion Manny Pacquiao hanggang sa pagtatapos ng taon.

Ito ang inihayag ni American trainer Freddie Roach dahil sa kasalukuyang krisis na dinaranas ng buong mundo dulot ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“He won’t fight this year,” wika ni Roach sa panayam ng BoxingScene.com.

Ngunit naniniwala si Roach na sa oras na magbalik na ang lahat sa normal, sasabak pa sa isa o dalawang mega fights si Pacquiao bago tuluyang magretiro.

“But if this (pandemic) ever goes away – and I’m not sure it will because it’s getting worse and worse, not better and better – but I think Manny will fight once or twice more,” ani Roach.

Hindi na natuloy ang planong pagbabalik-aksyon ni Pacquiao noong Hulyo dahil sa paputok ng pandemya.

Sa halip, nakasentro ang atensiyon ng reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion sa pagtulong sa COVID-19 fight ng bansa.

Mismong si Pacquiao na ang nagpahayag kamakailan na wala muna sa isip nito ang boksing sa ngayon.

Kilala ni Roach si Pacquiao.

Kahit nasa pandemya, alam nitong hindi pinababayaan ni Pacquiao ang kanyang kundisyon para manatiling nasa porma ito.

Madalas na nakikita si Pacquiao na nasa workout kasama pa ang asawa nitong si Jinkee.

Nabanggit din ni Roach ang Saudi Arabia sa posib­leng venue sa oras na maikasa na ang susunod na laban ni Pacquiao.

Isa si Mikey Garcia sa mga nabanggit nitong posibleng makasagupa ng Pinoy champion.

FREDDIE ROACH MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with