Mga balibolista ngayon ay siklista?
ABYLIEVE - Aby Maraño (Pilipino Star Ngayon) - August 29, 2020 - 12:00am

Talagang hindi papaawat sa pag “Yes” kaming mga balibolista sa bagong adventure ngayong pandemya. Dahil nga mukhang matagal pa bago muling makakabalik sa volleyball court, nakahanap kami nang bagong pagkakaabalahan. Imbis na bola ng volleyball ay bisikleta muna ang aming magiging libangan.

Hindi ko sinasabing magpapalit na kami ng isport, ito lang ngayon ang bagong pagkakaabalahan namin bukod sa pag-eensayo ng volleyball sa kanya-kanyang tirahan.

Nakakatuwa at nakaka-proud ibahagi kung gaano katindi ang samahan namin sa volleyball community dahil maging sa pagbibisikleta ay nagkakaisa kami. Ang mga bigating coaches na sina Shaq Delos Santos, Kung Fu Reyes, Odjie Mamon, Yani Fernandez at Emil Lontoc ay mga aktibong siklista. Sa mga manlalaro naman, kasama kong pumadyak sina Eya Laure, Kim Fajardo, Carmela Tunay, Johnvic De Guzman at Bryan Bagunas. Halos lahat ay tila nagbalik sa pagkabata. Iyong mga batang sabik humawak ng bisikleta, para kaming ganun ngayon.

Sa tulong ng isa ring mahilig mag-volleyball, ang Filipino-Chinese businessman at eksperto sa mga bisikleta na si Eric John King may-ari ng Bisikleta Manila, nabigyan kami nang direksyon ukol sa pagkuha ng mga pinaka-magagandang klase ng bike. Ang Bisikleta Manila ay sampung taon nang matatag na nagbebenta ng quality at high end brands ng bisikleta sa Quiapo. Tatlong dekada na ang family business na ito nila Eric at aniya minana pa nila sa kanilang lolo na siyang nagpasimula ng bike business sa Quiapo noong araw.

Sa kabilang banda, Si Marco Gumabao sikat na aktor at kapatid ng dati kong teammate sa La Salle na si Michele Gumabao ay magbibisikleta na rin. Hindi nagkamali si Marco sa pinagbilhan niya ng bisikleta. Parahes na kaming Team Bisikleta Manila ngayon! Ayos!

Malay n’yo makita n’yo kami minsan naka-volleyball jersey pero todo padyak sa magaganda naming bisikleta. Ride tayo!

VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with