Diaz tuloy sa pagpapalakas ng katawan
Hidilyn Diaz
Diaz tuloy sa pagpapalakas ng katawan
Russell Cadayona (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2020 - 12:00am

Bilang paghahanda sa Olympic qualifying

MANILA, Philippines — Araw-araw ay binibisita ni 2016 Olympic Games silver medalist Hidilyn Diaz ang website ng Internatio-nal Weightlifting Federation (IWF) para sa lalahukang kompetisyon.

Ngunit wala pang naita­takdang torneo na maa-aring salihan ng tubong Zamboanga City.

“Wala pang update sa qualifying puro online competition lang eh,” wika ni Diaz sa panayam ng Sports Lockdown mula sa kanyang training camp sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Umaasa ang 29-anyos na Pinay weightlifter na makakasama siya nina pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan.

Kasalukuyang No. 5 sa buong mundo sa women’s 55kg category, isang Olympic qualifying na lamang ang kailangang lahukan ni Diaz para opisyal na maibulsa ang Tokyo Olympics ticket.

Hangad ni Diaz ang kanyang ika-apat na sunod na Olympics appearance matapos noong 2008 sa Beijing, China, 2012 sa London at 2016 sa Rio de Janeiro, Brazil kung saan niya binuhat ang silver medal.

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with