NU Lady Bulldogs lumabag din sa quarantine protocols?
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posibleng maharap din sa imbestigasyon ang National University matapos magsulputan ang ilang larawan ng training ng women’s volleyball team nito.

Ilang training pictures at videos ang naipost ng ilang miyembro ng coaching staff ng Lady Bulldogs na posibleng magpatunay na lumabag din sa quarantine protocols ang koponan.

Natanggal na ang ilan sa mga larawang nakapost sa social media.

Wala pang pormal na statement ang NU.

Ayon sa sources, wa­lang alam ang NU sa trai­ning ng mga players.

Kusang loob itong ginawa ng mga atleta sa gym upang manatiling nasa kun­disyon ang kanilang pangangatawan.

Hindi nakauwi sa kani-kanyang tahanan o probinsiya ang mga players sapul nang magsimula ang qua­rantine sa Metro Manila kaya’t nanatili ang mga ito sa pasilidad ng NU.

Nang ilipat sa General Community Quarantine ang Metro Manila, inilipat ng NU ang mga players sa Inspire Sports Academy sa Laguna para maging pansamantalang tahanan ng mga manlalaro.

Kasalukuyang iniim­bestigahan ang University of Santo Tomas (UST) matapos matuklasan ang umano’y training bubble nito sa Sorsogon.

Hindi pinahihintulutan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang anumang sports activities gaya ng training, workouts at scrimmages lalo na ng mga non-professional teams gaya ng mga koponan sa UAAP at iba pang collegiate leagues.

Dahil dito, kung mapapatunayang totoo ang training bubble ng UST at pagsasanay ng NU, posib­leng maharap ang mga ito sa quarantine violations.

VOLLEYBALL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with