Jaja Santiago hahataw sa Japan
Jaja Santiago
STAR/ File
Jaja Santiago hahataw sa Japan
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2020 - 12:00am

Sa ikatlong sunod na taon

MANILA, Philippines — Muling pumirma ng bagong kontrata si dating National University standout Jaja Santiago para maglaro sa Ageo Medics sa 2020-2021 season ng Japan V. Premier League.

Masaya itong ibinalita ng 6-foot-5 middle blocker sa social media account ng Chery Tiggo — ang local volleyball club na kinabibilangan ni Santiago.

“I would like to announce na I renewed my contract with Ageo Medics,” wika ni Santiago.

Ito ang ikatlong sunod na taon na masisilayan sa aksyon si Santiago sa prestihiyosong Japanese volleyball league.

Masaya si Santiago dahil buo ang suporta ng Crossovers sa kanyang Japan stint.

Malaking tulong ang paglalaro ni Santiago sa Japan upang mas lumalim pa ang karanasan nito at matuto ng mga bagong istilo mula sa kanyang mga Japanese coaches.

“I’m very happy kasi siyempre my Chery family sinuportahan nila ako all throughout my career dito sa Pilipinas and yung sa naging desisyon ko na para pu­mirma sa Ageo Medics ulit,” dagdag ni Santiago.

Tinulungan ni Santiago ang Ageo Medics na makara­ting sa semifinals ng Japan V.League sa nakalipas na season kung saan tumapos ang kanilang tropa sa ikatlong puwesto.

Magsisimula sa Oktubre ang Japan V.League kaya’t inaasahang lilipad na ito patungong Japan anumang araw para simulan ang ensayo kasama ang Ageo Medics.

JAJA SANTIAGO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with