Blazers vs Lakers sa 1st round
Inangkin ni Blazers guard Damian Lillard ang bubbles MVP.
STAR/ File
Blazers vs Lakers sa 1st round
(Pilipino Star Ngayon) - August 17, 2020 - 12:00am

Lillard hinirang na bubble MVP

LAKE BUENA VISTA, Fla. —  Ikaapat na sunod na down-to-the-wire finish at pang-apat na dikit na panalo para sa Portland Trail Blazers.

Kumamada si Damian Lillard ng 31 points  habang iniskor ni CJ McCollum ang 14 sa kanyang 29 mar­kers sa fourth quarter para tulungan ang Blazers na angkinin ang final playoff spot sa 126-122 pagtakas sa Memphis Grizzlies.

Makakatapat ng No. 8 Portland ang top-seeded Los Angeles Lakers nina LeBron James at Anthony Davis sa first round, isang best-of-seven series, ng Western Conference.

“We respect them for who they are, and we have enough belief in ourselves to go into it feeling like we can win the series. I think it’s that simple,” ani Lillard sa pagsagupa ng Blazers sa Lakers.

Kumolekta naman si Jusuf Nurkic, inihayag na namatay ang kanyang lola dahil sa COVID-19, ng 22 points at 21 rebounds at may 21 points si Carmelo Anthony para sa pagsibak ng Blazers sa Grizzlies.

Binanderahan ni Ja Morant ang Memphis sa kanyang 35 markers habang naglista ng 22 points at 16 rebounds si Jonas Valanciunas at may tig-20 points sina Dillon Brooks at Brandon Clarke.

Nagsalpak si McCollum ng isang 3-pointer kasunod ang long jumper para sa komportableng kalama­ngan ng Blazers.

Ang triple naman ni Anthony sa huling 20.2 segundo ang tuluyan nang nagpatalsik sa Grizzlies.

Sa iba pang playoff matches sa West, sasagupain ng No. 2 Los A­ngeles Clippers ang No. 7 Dallas Mavericks habang makakatapat ng No. 3 Denver Nuggets ang No. 6 Utah Jazz.

Lalabanan naman ng No. 4 Houston Rockets ang No. 5 Oklahoma City Thunder.

Samantala, hinirang si Lillard bilang Most V­aluable Player ng NBA restart season.

Humakot si Lillard ng 22 votes para maging unanimous choice sa nasabing award sa NBA bubble at biguin si Phoenix Suns star Devin Booker.

Sapul nang simulan ang NBA restart season ay si Lillard ang naging first-ever Blazer na kumamada ng back-to-back 50-point games sa walong seeding games ng Portland.

Kumamada ang tinaguriang ‘Dame Time’ ng average na 37 points per game para sa Blazers.

Hinirang naman si Suns head coach Monty Williams bilang Coach of the Bubble.

MVP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with