Pacquiao dedma sa ibinunyag ni Roach
Sina Manny Pacquiao at Freddie Roach.
STAR/File
Pacquiao dedma sa ibinunyag ni Roach
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tahimik ang kampo ni eight-division world champion Manny Pacquiao matapos isiwalat ni American trainer Freddie Roach ang posibilidad na pagtakbo nito sa 2022 presidential election.

Mismong ang special assistant ni Pacquiao na si Jayke Joson na ang nagkumpirma na madalas na sinasabi ng Pinoy champion na hindi basta basta ang pagiging pangulo ng isang bansa.

Ibibigay ito ng kapa­laran at kung gugustuhin ng Diyos.

“Senator Manny always tells us that the Presidency is a God’s given position. So whether you like it or not if it’s given to you by God, you can’t do anything but do your job properly for the people. But if it’s not given, there’s nothing you can do whatever you do,” wika ni Joson na isa sa pinakamalapit na kaibigan ni Pacquiao.

Sa ngayon, wala sa isipan ni Pacquiao ang pagiging presidente.

Wala rin muna sa plano ang pagbabalik-aksyon sa mundo ng boksing kung saan hawak nito ang World Boxing Association (WBA) welterweight title.

Nakasentro ang atensyon ni Pacquiao sa pagtulong sa coronavirus disease (COVID-19) fight ng bansa.

Sa katunayan, una na itong isiniwalat ni Top Rank Promotions chief Bob Arum noong Hunyo.  Agad naman itong itinanggi ni Pacquiao.

Hindi naman maikakaila ni Joson na isa si Roach sa mga kinokonsulta ng Team Pacquiao kung boksing ang pag-uusapan.

Nabanggit nitong dalawang laban na lamang ang target para kay Pacquiao.

Kung siya ang tatanungin, mas nanaisin ni Joson na isang mega fight na lamang ang kagatin ni Pacquiao bago magretiro.

At ito ay laban kay Ultimate Fighting Cham­pionship (UFC) star Conor McGregor na posibleng maganap sa susunod na taon.

FREDDIE ROACH MANNY PACQUIAO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with