^

PSN Palaro

Sotto may scholarship din sa Arizona State

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sotto may scholarship din sa Arizona State
Kai Sotto
STAR/ File

Win-win program ng g league select team

MANILA, Philippines — Hindi pababayaan ng NBA G League select team ang pag-aaral ng mga pla­yers na sasabak sa liga gaya nina Kai Sotto at Filipino-American Jalen Green.

Sa katunayan, may prog­ramang nakalaan ang koponan para sa kanila.

Mismong si select team head coach Brian Shaw ang nagkumpirma na binibigyan ng management ng scholarship ang mga players na nagnanais ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral habang naglalaro sa NBA G League.

Kabilang na rito ang four-year scholarship sa Arizona State University na isang kilalang unibersidad sa Amerika.

Bahagi ito ng programa ng management para hindi mapabayaan ang pag-aaral ng mga players nito.

“When they come to our program, if they do make it to the NBA, we still pay for them for four years of college with a program with Arizona State if they ever want to finish their education so that’s what a lot of people don’t know,” wika ni Shaw.

Isang win-win situation ang inilatag ng management para sa mga players nito para mas madali ang pagbibigay ng desisyon kung papasok ito sa NBA G League.

Bonus ito para sa mga players dahil kumikita ang mga ito sa paglalaro sa liga.

“On top of that, they’re able to be paid a significant amount of money for this year to play which they wouldn’t have been able to get in college,” wika pa ni Shaw.

Magugunitang kaliwa’t kanan ang offers sa 7-foot-2 Pinoy cager mula sa iba’t ibang kilalang unibersidad sa Amerika at Europa para maglaro sa kanilang college teams.

May ilang alok din kay Sotto sa mga UAAP teams.

Subalit nagdesisyon si Sotto na dalhin ang kanyang talento sa NBA G League na magsisilbing daan nito para matupad ang kanyang pangarap na makapaglaro sa NBA.  

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with