PSC hindi pinapabayaan ang Tokyo Olympic bets
Ayaw ng PSC na pabayaan ang national team lalo na yung may malalakas ang tsansang makapag-uwi ng medalya sa Tokyo Olympics na idaraos sa susunod na taon.
AFP

PSC hindi pinapabayaan ang Tokyo Olympic bets

Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 14, 2020 - 12:00am

Kahit may pandemya

MANILA, Philippines — Sa kabila ng kakulangan sa pondo, patuloy ang Philippine Sports Commission (PSC) sa pagsuporta sa mga atleta partikular na sa mga naghahanda para sa Tokyo Olympics.

Sa katunayan, tumataginting na P351 milyon na ang suportang pinansiyal na ang naipamahagi nito sa unang anim na buwan pa lamang ng taong ito.

Ayaw ng PSC na pabayaan ang national team lalo na yung may malalakas ang tsansang makapag-uwi ng medalya sa Tokyo Olympics na idaraos sa susunod na taon.

Nagawa ito ng PSC sa kabila ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic na kinakaharap ng buong bansa.

Magugunitang humugot ang Bayanihan Act 1 ng P596 milyon sa National Sports Development Fund at P773 milyon sa General Appropriations Act (GAA) ng PSC para gamitin sa COVID-19 fight ng bansa.

“It has been quite a challenge but we hope to keep our commitment to fund and support our athletes who have shown strong determination and chances in winning our first Olympic gold,” ani PSC Chairman William Ramirez.

Pinaka-malaki ang pondong nailabas para sa Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na may P20.2 milyon kasunod ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na may P13 milyon at Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na may P7.8 milyong pondo.

Ang mga nabanggit na NSAs ang sumusuporta kina Olympic qualifiers, pole vaulter Ernest John O­biena, bo­xers Irish Magno at Eumir Marcial at world champion gymnast Carlos Edriel Yulo.

Mayroon naman ang Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) ng P11.2 milyon kabilang ang P3.8 milyong pondo para sa training ni Rio Olympics silver medalist Hidilyn Diaz.

PSC TOKYO OLYMPICS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with