^

PSN Palaro

Allowance ng athletes at coaches pasok sa Bayanihan 2

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Allowance ng athletes at coaches pasok sa Bayanihan 2
POC president Bambol Tolentino
STAR/File

MANILA, Philippines — Muling masisilayan ang ngiti sa labi ng mga atleta at coaches dahil ibabalik na ang full allowance ng mga ito sa oras na maikasa ang Bayahinan 2.

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) president Bambol Tolentino, kasama sa naturang panukala ang budget para ibalik sa 100 porsiyento ang monthly allowance ng national athletes at coaches.

Magugunitang tinagpas ng Philippine Sports Commission (PSC) ang monthly allowances ng mga athletes at coaches sa 50 porsiyento bilang bahagi ng cost cutting ng ahensiya.

Tatakbo ito mula H­unyo hanggang Disyembre ngunit tiniyak naman ng PSC na maibabalik ito sa normal sa oras na makakuha ng pondo ang sports agency.

Sa aprubadong Bayanihan 2 ng House of Re­presentatives, ibibigay sa national athletes ang 50 porsiyentong nawala sa mga atleta kaya’t muli itong magiging 100 porsiyento sa oras na maisabatas na ito.

Hihintayin na lamang ang pagsang-ayon ng Senado upang pormal na itong maipatupad.

Naipasok ang natu­rang panukala para sa mga atleta at coaches sa tulong ni House Speaker Alan Peter Cayetano.

Maliban sa pagbabalik sa allowance, bibigyan din ang mga ito ng karagdagang P5,000 COVID assistance para sa mga atleta.

Tiwala si Tolentino na sasang-ayunan ito ng Senado dahil nakipagpulong na ito kay Senate President Tito Sotto.

May mga kaalyado ang national athletes sa Senado gaya nina eight-division world champion Manny Pacquiao at Senator Bong Go na isa ta­gapagtanggol ng mga atleta.

Si Go ang kumalampag sa PSC nang matuklasan nitong delayed ang allo-wances ng mga atleta at coaches.

Agad naman itong inaksiyunan ng pamunuan ng PSC.

vuukle comment

BAMBOL TOLENTINO

BAYANIHAN ACT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with