Raptors nilapa ang NO. 2 seed sa East
Napilitang ipasa ni Raptors’ Pascal Siakam ang bola nang ma-trap sa depensa ng dalawang Grizzlies players sa aksyong ito sa NBA.
Raptors nilapa ang NO. 2 seed sa East
(Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2020 - 12:00am

Pelicans, Kings sibak sa Playoffs

LAKE BUENA VISTA, Florida — Kumamada si forward Pascal Siakam ng 26 points para ihatid ang Toronto Raptors sa 108-99 paggiba sa Memphis Grizzlies at angkinin ang No. 2 seed sa Eastern Conference sa NBA restart season kahapon dito.

Ito ang ika-limang sunod na season na nagtala ang Toronto ng 50 wins kasabay ng pagdiskaril sa pagkopo ng Memphis ng silya sa Western Confe­rence play-in series.

Nagdagdag si Norman Powell ng 16 points at may 15 markers si Kyle Lowry para sa Raptors na may 4-1 record sa restart at maaari nang ipahinga ang mga key players bago ang playoffs.

Umiskor si Dillon Brooks ng 25 points para sa Grizzlies (1-5).

Nagpasabog naman si DeMar DeRozan ng 27 points at may 19 markers si Rudy Gay para akayin ang San Antonio Spurs sa 122-113 panalo sa New Orleans Pelicans.

Dahil sa kabiguan sa Spurs at panalo ng Portland Trail Blazers kontra sa Philadelphia 76ers ay tuluyan nang nasibak ang Pelicans sa playoff contention.

Inungusan ng Spurs, hangad maging unang koponan sa NBA history na makapasok sa kanilang ika-23 sunod na playoff appearances, ang Phoenix Suns sa 10th place sa West sa ilalim ng Blazers para sa No. 9 spot.

Nagsumite naman si Austin Rivers ng career-high 41 points para banderahan ang Houston Rockets sa 129-112 paggupo sa Sacramento Kings.

Nag-ambag si James Harden ng 32 points, 8 rebounds at 7 assists para sa tagumpay ng Rockets sa Kings, nasibak sa playoffs dahil sa panalo ng Blazers sa 76ers.

Humataw naman si Damian Lillard ng 51 points sa 124-121 paglusot ng Blazers laban sa 76ers.

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with