Pacquiao nanawagan ng pagkakaisa
Manny Pacquiao
Pacquiao nanawagan ng pagkakaisa
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2020 - 12:00am

Boxing isinantabi muna

MANILA, Philippines — Isinantabi muna ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang boxing gloves kasabay ng panawagan ng pagkakaisa upang masugpo ang coronavirus disease (COVID-19).

Sa ngayon, wala sa isip ni Pacquiao ang magbalik sa ring dahil mas nanaisin nitong maging magandang ehemplo para makiisa sa panawagan ng gobyerno.

Ayon sa Pinoy champion, malaki ang maitutulong kung magkakaroon ng pagkakaisa ang buong sambayanan sa paglaban sa pandemya.

Maihahalintulad ito sa isang laban sa sports partikular na sa isang team event.

Kung may iisang layunin ang isang koponan, mas mapapadali ang layunin nitong makuha ang tagumpay.

Pangunahin na ang di­siplina na nagsisilbing armas ng bawat atleta.

Ito ang maaaring ma­ging magandang halimbawa ng isang bansa para matamo ang inaasam na panalo laban sa COVID-19.

“Buong mundo ang naghihirap pero kung may pagkakaisa tayo, mana­nalo tayo (sa laban kontra COVID-19),” wika ni Pacquiao.

Para kay Pacquiao, mas magiging madali ang pagresolba sa anumang problema kung magtutulung-tulong ang lahat.

“Kailangan nating magtulungan para masolusyunan ang problema,” ani Pacquiao.

Ipinanalangin din ni Pacquiao ang mga kababayan nitong nahihirapan dahil sa krisis na dulot ng pandemya partikular na ang mga nawalan ng trabaho at pinagkakakitaan.

Iginiit ni Pacquiao na bahagi lamang ito ng pagsubok at huwag mawalan ng pag-asa.

“Parating nakagabay sa atin ang Panginoon, alam kong ginhawa na naghihintay sa atin kaya huwag tayong mawalan ng pag-asa sa buhay,” wika ni Pacquiao.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with