Green pinagmulta ng $50K
(Pilipino Star Ngayon) - August 11, 2020 - 12:00am

Pinagmulta ng NBA si Golden State Warriors forward Draymond Green matapos ang komento nito kay Phoenix Suns guard Devin Booker.

Sa kanyang komento bilang analyst para sa TNT, pinayuhan ni Green si Booker na umalis na lamang sa Phoenix.

Idinagdag pa ni Green na hindi ito makabubuti para sa career ni Booker ang pananatili sa kampo ng Suns.

“Get my man out of Phoenix. It’s not good for him. It’s not good for his career,” ani Green.

Mahigpit na ipinagbabawal ng liga na makialam o manghimasok ang sinumang player sa kontrata o kasalukuyang kalagayan ng kapwa player nito.

Kabilang na rito ang panghihimok sa isang player na lumipat o umalis na lamang sa isang partikular na koponan — bagay na parehong ginawa ni Green nang magkomento ito kay Booker.

Dahil sa kanyang komento, pinatawan ng liga ng $50,000 multa si Green.

Alam ni Green na nagkamali ito sa kanyang nagawa.

Tinanong pa ito kung sa tingin niya na “tampering” o panghihimasok ang kanyang ginawa, wala itong nasagot kundi “maybe.”

Sa kanyang pananatili sa Suns, hindi pa nakakapasok si Booker sa playoffs.

DRAYMOND GREEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with