^

PSN Palaro

US Open kanselado!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuluyan nang nakansela ang prestihiyosong 2020 US Open Pool Championship na isa sa mga regular na major international tournaments na nilalahukan ng mga Pinoy cue masters.

Nagdesisyon ang pamunuan ng torneo na ipagpaliban na lamang ito sa taong ito dahil sa patuloy na pagdami ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Amerika.

Nais ng mga organizers na unahin ang kapakanan at kaligtasan ng mga manlalaro at opisyales na magpapatakbo ng torneo.

“Matchroom Pool, together with MGM Resorts, has taken this decision after considering the current global government and travel advice around the Covid-19 pandemic,” ayon sa statement ng organizers.

Mahihirapan din ang mga players mula sa iba’t ibang panig ng mundo na regular na lumalahok sa US Open na makarating sa Amerika dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng health protocols.

Isa ang Pilipinas sa madalas na may pinakamaraming pool players sa delegasyon sa naturang annual event.

Lalahok sana sa torneo si dating World 9-Ball champion at two-time Southeast Asian Games gold medalist Carlo Biado kasama sina dating world champion Dennis Orcollo, Warren Kiamco, Roberto Gomez at legendary cue master Francisco “Django” Bustamante.

Sa kasaysayan ng US Open, dalawang beses nang nagkampeon ang Pinoy cue artist sa torneo.

Una noong 1994 nang pagharian ni veteran cue master Efren “Bata” Reyes ang ika-18 edisyon ng US Open.

Matagal ito bago masundan kung saan namayagpag si multiple Manila SEA Games gold winner Alex Pagulayan noong 2005 edisyon.

Sa kasaysayan ng US Open, ito pa lamang ang ikalawang pagkakataon na nakansela ang event.

Una na noong 2018 na ipinagpaliban din dahil sa kakulangan sa pondo.

Tiniyak ng organizers na magbabalik-aksyon ang torneo sa susunod na taon sa oras na tapos na ang krisis sa COVID-19.

vuukle comment

US OPEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with