^

PSN Palaro

‘Bubble concept’ ng NBA dapat gayahin ng PBA

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
�Bubble concept� ng NBA dapat gayahin ng PBA
NBA
Harry Ho/AFP

Sa kanilang pagbabalik-aksyon

MANILA, Philippines — Tagumpay ang ginagamit na ‘bubble concept’ ng National Basketball Association (NBA) sa kanilang restart season sa Walt Disney World sa Orlando, Florida.

Ito ang maaaring gayahin ng Philippine Basketball Association (PBA) sakaling payagan na silang ma­kabalik sa aksyon sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

“I would suggest to get the NBA bubble concept. Isa iyon sa dapat nating isipin unless otherwise we actually have some other options,” wika kahapon ni dating coronavirus task force adviser Tony Leachon sa PBA.

Sa ilalim ng ‘bubble’ sa Walt Disney World ang lahat ng nasa loob nito ay dapat sagutin ang isang questionnaire sa kanilang mobile device tuwing umaga bukod pa ang pagkuha ng temperature at level ng oxygen sa bloodstream.

Ipinatutupad din ang social distancing at paggamit ng face mask.

Nauna nang inilabas ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at Department of Health (DOH) ang isang Joint Administrative Order (JAO) para sa pagbabalik sa training at conditioning ng PBA, Philippine Football League (PFL) at Chooks-to-Go  3x3 national team.

Ipinatupad naman ng Malacañang ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna dahil pagtaas ng mga nagposi­tibo sa COVID-19 noong Agosto 4 hanggang 18.

Balak ng PFL na gawin ang kanilang training at mga laro sa Philippine Football Federation (PFF) National Training Center sa Carmona, Cavite at pupunta ang Chooks-to-Go national 3x3 team sa INS­PIRE (Integrated Sports Performance, Innovation and Recovery) Sports Academy sa Calamba, Laguna para isagawa ang kanilang training.

vuukle comment

NBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with