^

PSN Palaro

Boxing return wala pa sa plano ni Pacquiao

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Walang balak magba­lik-aksyon si eight-di­vision world champion Manny Pacquiao hangga’t  dumara­nas ang buong sambayanan ng krisis dahil sa coronavirus disease (COVID-19).

Mismong si chief trainer Buboy Fernandez na ang nagkumpirma na hindi muna sasalang ang reigning World Boxing Association (WBA) welterweight champion sa laban.

Nakasentro ang atensi­yon ni Manny  sa pagtulong sa gobyerno kung paano susugpuin ang COVID-19 na pumalo na sa mahigit 100,000 kaso sa Pilipinas.

Ayaw ni Fernandez na sumabak si Pacquiao sa laban at magkaroon ng engrandeng sele­brasyon sa oras na manalo ito  habang ang mga kababayang Pilipino nito ay apektado ng krisis.

Dahil sa pandemya, ma­raming Pilipino ang nawalan ng trabaho habang ilang libo na ang kasalukuyang lumalaban sa sakit na COVID-19 sa iba’t ibang ospital sa bansa.

Masaklap pa na patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga namamatay kabilang na ang mga fronliners gaya ng mga doktor at nurses. Kaya naman mas makabubuti para kay Pacquiao na ituon ang sarili nito sa pagtulong sa mga kababayan nito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with