Anthony, Lillard bumida sa Blazers
Umasinta ng tira si Blazers’ Carmelo Anthony laban sa Rockets sa aksyong ito sa NBA.
STAR/ File
Anthony, Lillard bumida sa Blazers
(Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

Nets binulaga ang Bucks

LAKE BUENA VISTA, Florida Umiskor si guard Damian Lillard ng 21 points at isinalpak ni Carmelo Anthony ang mahala­gang three-pointer sa huling minuto ng laro para tulu­ngan ang Portland Trail Blazers sa 110-102 paggupo sa Houston Rockets sa NBA restart season kahapon dito

Matapos ang split ni Lillard ay kumonekta naman si Anthony ng triple sa hu­ling minuto ng fourth period para ibigay sa Blazers ang 107-102 kalamangan sa Rockets.

Tumapos si Anthony na may 15 points at 11 re­bounds para sa paglaban ng Portland sa isang playoff spot.

Binanderahan ni James Harden ang Houston sa kanyang 23 points at 9 assists.

Kumamada si guard Timothé Luwawu-Cabarrot ng back-to-back triples para akayin ang Brooklyn Nets sa 119-116 pagtakas sa Milwaukee Bucks.

Diniskaril ng Nets ang pag-angkin ng Bucks sa top seed sa Eastern Conference.

Naglista si Luwawu-Cabarrot ng career-high 26 points para sa Brooklyn.

Kumonekta naman si Devin Booker ng isang turnaround jumper laban kay Paul George sa pagtunog ng final buzzer para tumapos na may 35 points at ihatid ang Phoenix Suns sa 117-115 paglusot sa Los Angeles Clippers.

Nagsalansan si big man Bam Adebayo ng 21 points at 12 rebounds para pangunahan ang 111-106 paggapi ng Miami Heat sa Boston Celtics at manatili sa fourth spot sa Eastern Conference.

Nagsumite naman si Luca Doncic ng triple-double para sa 114-110 panalo ng Dallas Mavericks sa Sacramento Kings.

DAMIAN LILLARD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with