Valdez sinorpresa ang mga magulang
Alyssa Valdez
STAR/ File
Valdez sinorpresa ang mga magulang
Chris Co (Pilipino Star Ngayon) - August 6, 2020 - 12:00am

Niregaluhan ng bagong kotse

MANILA, Philippines — Isa si Creamline Cool Smashers team captain at three-time UAAP MVP Alyssa Valdez sa itinuturing na pinaka-matagumpay na volleyball player sa bansa.

Makailang-beses na itong humakot ng MVP awards kasama pa ang ilang individual awards gaya ng Rookie of the Year at Best Spiker awards sa iba’t ibang liga.

At hindi maikakaila ng marami na rin itong naipundar sa kanyang ilang taon sa industriya ng volleyball.

Mula ito sa kanyang mga kinita sa paglalaro sa iba’t ibang volleyball clubs hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang bansa gaya ng Chinese-Taipei at Thailand.

Makailang-ulit na rin itong nasilayan bilang endorser o ambassador ng iba’t ibang sports products at apparels.

Kaya naman sa pagkakataong ito, mu­ling binigyan ni Valdez ng panibagong sorpresa ang kanyang mga magulang.

Isang bagong kotse ang iniregalo ni Valdez sa parents nito na bunga ng dugo’t pawis nito sa pag­lalaro sa volleyball.

“Sa buong time na nag-aaral ako nasa Manila lang ako, lahat pino-provide sa akin ng parents ko, so today hopefully maging masaya sila sa ibinigay kong gift sa kanila,” wika ni Valdez.

MVP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with